Search

Bakit preferred kong makinig ng indie songs kaysa sa mainsteam song?

Updated: Aug 29, 2020

Araw-araw, nagpapatugtog ako ng music, lalo na kapag may ginagawa ako sa umaga. Nakasanayan ‘yan lalo na’t kasabay ng almusal.


‘O kaya’y may ginagawa akong articles. Kung minsan, habang naglalaba, nagluluto o naglilinis ng bahay.


Sa araw-araw kong pagpapatugtog, pamilyar na ang mga kapitbahay sa kanta. Ang kanilang ipinagtataka--- maganda ang kanta, pero hindi nila alam kung sino ang kumanta.


Hindi rin nila alam kung ano ang pamagat ng song. Heto na, ‘curiosity kills a cat’ ika nga.


Minsan, may naglakas magtanong sa akin:


‘Kuya, anong song yung mga pinatutugtog mo? Luma ba yun? Bago? Magaganda ‘e. Kaso, hindi ko alam.”


Sabi ko, mga indie songs ang pinatutugtog ko. Hindi kasi ako nagsasawang makinig. Then, heto na, nagsisimula na silang alamin ang songs. Binigay ko.


Ang maganda, nakatataba ng puso na ang mga songs mo… n’yo ay pinatutugtog na nila. Na nakatatawag pansin naman sa iba.


Karaniwan, alam na ng bata ang songs namin, ng banda naming Zionchillers. Bukod dito, pinatutugtog din nila ibang songs. Iyon ‘yung mga hiningi nila sa akin. Kasi gusto nga nila at trip patugtugin.


Kabilang na rito ang mga songs ni Obet Rivera, Dominic Mamba Doringo, Anj Jimenez, Jaypee Chang, Noel Bernaldo, Rex and Ron, Tamales, Eidos at iba pang artists.

May nagtanong din minsan, bakit daw indie songs ang pinatutugtog ko. Bakit hindi na yung sikat? Bakit yun? ‘E hindi naman sikat?


Heto ang kasagutan ko:


Bakit ako magpapatugtog ng sikat na? Marami nang nakikinig dun. Patutugtugin ko yung maganda sa akin. May karapatan ang bawat tao na magpatugtig ng gusto niya. Kung trip ng isa, rap, e di yun. Pop, rock grunge, metal, alternative, walang problema. Patugtugin mo, huwag ka lang tipong nambubulahaw ng kapitbahay mo.


Kung hindi patutugtugin ang indie songs, na sinasabi mong hindi sikat, papaano sisikat? Hindi nyo ba alam na malaking tulong sa isang indie na tangkilin ang songs nila? Remember, bahagi din sila ng industriya--- ng musikang Pilipino.


Gaya nga ng sinabi ko, mas gusto kong patugtugin ang hindi alam ng marami. Mas mystery ang effect. Yun tipong ipagdadamot hanggang sa may manghingi. Parang hotcakes o kendi na ipinagdadamot mo muna, tapos hihingi sila. Yung ipinagdadamot ko yung title, pero ang tugtog, malakas. Kaya nasasabayan. Alangan namang sumigaw ako hanang nagpapatugtog: “mga kapitbahay, yung pinatutugtog ko ngayon, kuwan, ‘Do Yah’ pamagat niyan. Pakinggan nyo. Papaano naman nila pakikinggan ;’e wala silang MP3 nun.


Kaya nga, pag gusto nila, sila na lalapit sa iyo. Magre-research yan. AAlamin ang panmagat batay sa napapakinggan nilang words ng kanta. Madi-decode nila songs mo through chorus lyrics, coda at refrain.


Pag indie songs kasi, buhos ang effort ng gumawa niyan. Kaya maganda ang craft, yung kanta. Hindi man sumikat, kilala naman ng ilan. Hindi sumikat, hindi rin malalaos. Kitam!

At ang totoo sa ngayon--- mas alam pa ng karamihan o nagboom ang indie songs. Mas inaabangan. Kaya nga, nakikipag-collab mga mainstream artists.


Sa siste ko, ako, nahihiya akong patugtugin songs namin ng diretso o sunod-sunod, kaya sina-shuffle ko playlist. Pero, pag di naming song, hayun, todo bigay.


Kasi ang siste, pag narinig ng iba, tapos hindi nila alam, sasabihin nila, ‘maganda song. Hindi ko alam yun ah! Bago ba yun? Akon a lang ba hindi nakaaalam nun? Hindi ayata ako updated! Baka dala lang ng COVID-19 pandemic? Ano kayang kanta yun?”


Kaya, sa ganang akin, masaya na tayo kapag alam ng iilan ang songs natin. Taon ika nga bibilangin. Magugulat ka na lang, alam na ng iba kanta mo. Basta, iparinig mo… natin… magtulungan tayo. Mabuhay tayo mga kapatid.


50 views1 comment

Recent Posts

See All

Not Normal - OnSession

Finally this group from Valenzuela have released their EP Album under FIA Music, their music will surprise you in many ways..

The Man Don - Alipin

Finally his single entitled "Alipin" is now out in all digital outlets. His single will surely catch your heart as this love song is about humility, submission and perseverance. Support "The Man Don"

© 2021 by Filipino Indie Artists

Powered By

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Pinterest
  • Instagram
Innov8Now Information Technolgy